Bagong Lipunan

Saturday, June 04, 2005

THE TRUTH ABOUT SPEAKING IN TONGUES

SPEAKING IN TONGUES OR SPEAKING IN KATANGAHAN?

Please forward these to the people you know might be fooled by these "Born Again" or "Charismatics".


Ako po ay isang Katoliko, Naimbitahan ako minsan ng mga pentecostal sa kanilang gawain. Nag-speaking in tongues sila, at isa sa mga sinabi ay "Hurabashi Harabakakakaka Abudabudabuda". Tinandaan ko ito. Pero noong ikinonsulta ko sa mga language experts sa opisina namin sa Makati, wala daw ito sa kahit anong lenguwahe sa mundo.

Di ba noong pentecost, ang mga Apostoles ay nakapagsalita ng mga lenguwahe sa mundo (Mandarin, Hapon, Bisaya, German etc....) Pero ang "Hurabashi Harabakakakaka Abudabudabuda" ay walang katumbas na lenguwahe. Ano ang explanasyon nitong mga nagspea-speaking in tongues? Symptoms kaya ito ng "the emperor's new clothes" syndrome? Ang sabi kasi ng pastor nila, yung lang mga "sincere na tumanggap sa diyos" ang makapag speaking in tongues.

Hindi kaya gumagawa-gawa yung mga miyembro ng mga sali-salitaan at nagkukunwang nagspi-speaking in tongues para lang huwag masabi ng mga kapuwa miyembro o pastor na wala silang faith? At wala lang maglakas ng loob na magsabi na hindi naman talaga sila nakararamdam ng "possession of the Holy Ghost" (kaya kunyari, nagspi-speaking kuno in tongues na lang sila, 'sumasakay' baga para kunyari 'napupuspos')?

Isa pa ay nakakakita daw sila ng mga anghel. Ang explanation ko naman dito, ay kapag ang isa sa kanila ay nagkuwento o nagbibida na nakakita (daw) siya ng anghel (mostly mga pastor ang nagsasabi nito. Note: The Pastor benefits from donations and this is a great gimmick to lure members), yung mga iba, mahihiya na magsabi na hindi sila nakakita ng anghel.

Kaya kahit di naman talaga nakakita, sasabihin may nakita daw (complete with description, at yung mga pa-bida effect, nakausap pa daw ng holy ghost kuno kuno) kahit gawa-gawa lang para sabihin eh "pure in spirit" sila. Yung mga familiar sa istoryang "The Emperor's New Clothes" ay makaka-relate dito sa description ko sa mga pentecostal. Go in peace to love and serve the Lord!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home