Bagong Lipunan

Sunday, September 04, 2005

ABOUT THE PASSPORT SHREDDING INCIDENT IN AUSTRALIA

1. Hindi natin masisisi ang mga kababayang ikinahihiya na ang Pilipino at ang Pilipinas. Isa lang ang dapat reaksiyon natin dito: ANG MAG-NAIS NG PAGBABAGO AT HINDI MAGING DEFENSIVE. Ang pangyayaring yun lang ang patunay na kailangan na talaga ng BAGONG LIPUNAN sa Pilipinas. Ang lipunan at kultura ng mga Pilipino ngayon ay nagdudulot lang ng KAHINAAN NG KARAKTER AT PAGKAPUROL NG UTAK ng nga Pilipino. Kailangan nang alisin ang mga kahinaan at baguhin ng husto ang kulturang maka-fiesta, maka-"party" at ang pagiging masyadong mahilig sa kasiyahan ng mga Pilipino. Dapat ay gayahin muna ng mga Pilipino ang mga Hapon na talagang nagbababad sa trabaho at seryoso sa kanilang mga gawain. Para sa Hapon,mas mahalaga pa ang kanilang Kumpanya kaysa kanilang pamilya. Ako ay ganun din. Dapat maging ganun din ang LAHAT NG MGA PILIPINO.

2. Kamay na bakal din dapat ang para sa mga Pilipino. Kapag may mga artistang nagpapakita ng mga kababuyan, pagiging "effeminate" (gaya nila Marvin Agustin o kahit sinong may mahahabang buhok at mahilig sumayaw) o kababawan sa mga tao, dapat sa kanila ay parusahan ng husto sa pamamagitan ng paghahataw ng YANTOK MINDORO ng mga Philippine Marines sa gitna ng kalsada. Dapat sa mga nagsasayaw ng otso otso o yung mga katulad ni April Boy Regino ay pagbababarilin ng machinegun at pasagasaan sa V-150 Armored Personnel Carrier sa EDSA upang hindi na sila tularan pa ng kabataan. Dapat ipagbawal ang mga sayaw at tugtugin na "rap" at "hip hop" at palitan ito ng mga marching drills at marching music ni John Phillip Sousa. Ang mga dance competition din dapat ay tanggalin at gawing fancy drills. Ang mga Beauty Contest naman ay dapat maging ng martial arts gaya ng ARNIS o Pekiti-Tirsia Kali.

3. Ang Military Training ng mga kabataan kagaya ng ROTC at CAT ay dapat i-revive at lalo pang patindihin nang katulad sa Greek City State of Sparta noon. Ito ay para mawala ang pagiging "weak" ng mga kabataang Pilipino. Noong panahon namin, ang mga kabataan ay malalakas, malulusog, matatalino at kapaki-pakinabang. Kaya nga naman ang Pilipinas noon ay maunlad, pumapangalawa lang sa Japan. Wala pa kasi kaming mga Text Messaging noon na pati mga lalaki ay akala mo mga babaeng kangkarot kung makipaglandian at makipagpalitan ng mga jokes sa text. At minsan akala mo nangangalikot ng kulangot ang mga kabataan kahit saan ka pumunta. Nauso din ngayon ang salitang "gimik" kung saan ang mga kabataan ay pupunta ng Malate o mga lugar na tulad nun upang sirain ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng alak. Tapos sila ay pupunta ng disco upang magmukhang mga hinambalos na bangus sa pagsasayaw.

Ito ay mga unang hakbang tungo sa BAGONG LIPUNAN tungo sa KAUNLARAN ng PILIPINAS.

Very truly yours,

GENERAL MADRIGAL

0 Comments:

Post a Comment

<< Home